Sa mga makabagong kabataan sa kanayunan, estudyante kung ituring pa man din.. Mga magulang ay nagkakandarapa sa pagkayod at pag bungkal ng lupa sa bukirin, pagsisid sa mga maputik at malalim na karagatan, mga magulang na ang tanging pangarap ay mapag tapos ang kanilang mga anak sa eskwelahan at sa pag aaral para sa kanilang pangarap, na kung hindi man para sa kanila (mga magulang), ay para sa mga anak nila na magkaroon ng buhay na maluwag para sa kanilang magiging mga supling.
Ano nga ba ang katotohanan na nangyayarin sa ating mga kabataan ngayon sa kanayunan? Mga mag aaral na naturingan, imbes na aklak (na salat naman, at di mabigay ng pamahalaan), kwaderno, lapis at pluma ay Cellphone ang tangan.
Hirap ang magulang na magbigay ng baon na P20.00 sa isang araw ngunit ang mag aaral na ito ay kayang mag lustay ng P30.00 na load para lamang matawag na in at sosi. Ang halagang ito na kanilang nilulustay, ay halagang pwede nang maka pag bigay ng bigas sa isang pamilya.
Imbes na takdang aralin ang atupagin sa gabi, magpupuyat ito dahil sa textmate at mga walang kabuluhang bagay sa presensya ng cellphone. Ang mahal na Ina ay hirap gisingin ang puyat na anak dahil sa overnight unlimited call and text.
Dahil din sa walang humpay na pag gamit ng cellphone, naaapektuhan ang kakayahan ng mga mag aaral sa nayon na maipakitang gilas at malalabas ang angking talino na bigay ng Dios dahil sa pag kahalina sa Cellphone.
Hindi naman masama na magkaroon ng cellphone ang mga batang ito ngunit ang masaklap kapag ang magulang ang gustong mag contact sa kanila ay cannot be reach ito at walang reply. Maraming masaman epekto ang pag asenso ng teknolohiya sa mga kabataan ng kanayunan....
Ipagpapatuloy...